Laguna

PRO 4A mas hihigpitan paglaban vs krimen

49 Views

Laguna1

KAMPO VICENTE LIM, Calamba City, Laguna — Mas lalo pang hihigpitan ng Police Regional Office (PRO) 4A ang pagbabantay at paglaban sa kriminalidad upang matiyak ang kaligtasan ng mamamayan sa buong rehiyon ng CALABARZON.

Ito ang naging pangunahing layunin sa ginanap na ika-2 Command Conference noong Martes, Oktubre 20 sa nabanggit na kampo ayon kay Regional Director Police Brigadier General Dominic L. Baccay.

Si Heneral Baccay, ang nanguna sa naturang pagpupulong upang suriin ang tagumpay ng kanilang mga nagdaang operasyon at balangkasin ang mas matatalim na estratehiya para sa pampublikong kaligtasan.

Ayon sa pamunuan, nakatutok ang kanilang mga hakbang sa Focused Agenda ng Chief PNP at sa PRO 4A B.E.S.T. Policing Framework.

Kaakibat nito ang mas proaktibong paghuli sa mga masasamang elemento, mas matibay na ugnayan sa mga barangay, tamang paggamit ng pondo’t kagamitan, at tapat na pamumuno nang may integridad.

“Sinisiguro natin na mararamdaman ng bawat mamamayan sa CALABARZON ang mabilis, tapat, at epektibong serbisyo ng ating kepulisya,” pahayag ng pamunuan ng PRO 4A.