Lucas

PRO-4A tagumpay vs krimen noong ’25

306 Views

KAMPO VICENTE LIM, Lungsod ng Calamba–Itinuturing ng Police Regional Office 4A na tagumpay ito sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa buong rehiyon.

Sa kampanya laban sa iligal na droga, nagsagawa ang PRO-4A ng 8,770 operasyon na nagresulta sa pag-aresto sa 11,391 drug suspek.

Kinumpiska ng mga awtoridad ang 84,235.02 gramo ng shabu at 91,349.27 gramo ng marijuana na may halagang P646,319,834.60.

Naaresto ng mga miyembro ng PRO-4A ang 4,073 suspek sa mga kaso.

Sa kampanya laban sa sugal, nagsagawa ang PRO-4A ng 9,686 na operasyon na nagresulta sa pag-aresto sa 22,619 indibidwal at pagkumpiska ng P4,630,080.40 na halaga ng pusta.

Sa kampanya laban sa loose firearms, 1,478 na operasyon ang isinagawa na nagresulta sa pagkumpiska, pagsuko at pagbawi ng 2,708 baril.

Pinuri ni PBGen Paul Kenneth Lucas, hepe ng PRO-4A, ang dedikasyon ng mga tauhan ng PRO-4A.