Calendar
PRO-4B may bagong hepe
CALAPAN CITY – Itinalaga si BGen. Jovencio Badua Jr. bilang bagong acting director ng Police Regional Office (PRO)-4B kapalit ni BGen. Roel Rodolfo.
Dumalo sa seremonya si Gob. Humerlito “Bonz” Dolor at kinilala ni P/Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., PNP chief, ang bagong hepe ng PRO-4B.
Hanga ang PNP chief sa gobernador sa ipinakitang katapangan nito sa paglaban sa katiwalian, partikular sa usapin ng maanomalyang flood control projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Binigyang-diin din ni Gob. Bonz ang kahalagahan ng patuloy na pagpapalakas ng ugnayan ng kapulisan at komunidad.
Sa kanyang pamumuno, paiigtingin ni BGen. Badua, Jr. ang paggamit ng barangay Information Networks, Barangay Peacekeeping Action Teams at iba pang stakeholders upang isiguro ang kaligtasan at kaayusan sa komunidad.
Ipinahayag din niya na handa siyang makipagtulungan sa pamahalaang panlalawigan ng Oriental Mindoro upang higit pang mapalakas ang mga inisyatiba laban sa kriminalidad.

