Maranan Police Regional Office 3 chief Brigadier General Redrico A. Maranan

PRO3: Insidente ng krimen sa Central Luzon bumaba

Alfred Dalizon Dec 21, 2024
112 Views

INIULAT ng Police Regional Office 3 (PRO3) sa pamumuno ni Brigadier General Redrico A. Maranan noong Sabado ang 4.12 porsyentong pagbaba ng mga insidente ng krimen sa Central Luzon.

Mula sa 37,447 noong 2023, bumaba sa 35,905 ang mga kaso ngayong taon.

Ayon sa PRO3, nalutas ang 91.94 porsyento ng mga kaso at na-clear ang 99.14 porsyento, patunay ng dedikasyon ng pulisya sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa rehiyon.

Sakop ng PRO3 ang mga lalawigan ng Aurora, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac at Zambales, pati na rin ang dalawang highly urbanized cities na Angeles at Olongapo.

Ang San Jose del Monte sa Bulacan ang pinakamataong lungsod sa rehiyon na may kabuuang 3,102 barangay at 20 distrito ng kongreso.

Sa kampanya laban sa iligal na droga, nakapagsagawa ang PRO3 ng 5,520 operasyon na nagresulta sa pagkakaaresto ng 8,484 drug targets at pagkakakumpiska ng P250.8 milyong halaga ng shabu at iba pang ipinagbabawal na substansiya.

Sinabi ni Maranan na ang kampanya laban sa loose firearms ay nagresulta sa pagkakaaresto ng 894 suspek at pagkakumpiska ng 3,250 armas na alinman sa nakumpiska, isinuko, idineposito o iniwan.

Dagdag pa rito, 220 indibidwal ang nahuli sa 250 anti-illegal weapons raids na nagresulta sa pagkakakumpiska ng 281 iba’t ibang armas. Ang mga nahuling violators ay nahaharap ngayon sa mga kasong kriminal sa ilalim ng Republic Act 10591, o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulations Act of 2013.

Sa panahon ng filing ng certificates of candidacy noong Oktubre, nag-deploy ang PRO3 ng 4,256 pulis para tiyaking maayos ang proseso.

Walang naiulat na insidente habang nagpapatuloy ang kampanya laban sa iligal na armas, kung saan 61 ang nahuli at 81 armas ang nakumpiska.

Sa pamamagitan ng intelligence-driven operations, nasugpo ng PRO3 ang ilang organized crime groups sa rehiyon ngayong taon. Kabilang dito ang tatlong kidnapping-for-ransom gangs, dalawang gunrunning syndicates, tatlong gun-for-hire groups, tatlong grupo ng illegal drugs at isang robbery gang.

“These efforts, which included rescuing victims, arresting key suspects and filing appropriate charges effectively disrupted these criminal networks to enhance public safety and maintain order across Central Luzon,” ani Maranan.

Sa internal security operations, naaresto ang 13 miyembro ng Communist Terrorist Group, sumuko ang 315 at na-neutralize ang 10 iba pa.

Samantala, ang kampanya laban sa lahat ng uri ng iligal na sugal ay nagresulta sa pagkakaaresto ng 6,388 indibidwal at pagkakakumpiska ng P2.75 milyong halaga ng cash bets.

Sa operasyon laban sa illegal logging, 43 ang naaresto at nakumpiska ang P4.69 milyong halaga ng kahoy at iba pang produktong kagubatan.

Sa iligal na pangingisda, 165 indibidwal ang nahuli sa 20 operasyon na nagresulta sa pagkakakumpiska ng halos P145,000 halaga ng ebidensiya.

Upang mas palakasin ang kampanya para sa kapayapaan at kaayusan, inilunsad ng PRO3 ang “Safe Region 3” initiative na nakatuon sa Enhanced Presence, Quick Response Time, at Counter-Action Against Drug Groups, Criminal Gangs at Private Armed Groups.

Bilang bahagi ng inisyatiba, nag-deploy ang PRO3 ng 107 pulis sa regional border control points at 212 sa 30 provincial border control points.

Bukod dito, 458 police outposts ang itinatag sa rehiyon na binabantayan ng 915 personnel. May 1,351 personnel din na naka-assign sa 161 checkpoints na bukas 24/7.

“We have also established 458 police outposts across the region, manned by 915 personnel. Additionally, 1,351 personnel are stationed at 161 round-the-clock checkpoints throughout the region, ensuring continuous police presence and enabling rapid, effective response to threats, further enhancing public safety and security,” pahayag ng nasabing opisyal.

“These achievements reflect PRO3’s dedication to delivering quality police services, maintaining peace and fostering collaboration with the community. By adhering to national directives and implementing proactive policing strategies, PRO3 continues to address challenges and create a safer environment for the residents of Central Luzon and its visitors 24/7,” dagdag pa niya.