Calendar
Problema ng trapiko sa Metro Manila matatagalan pa bago tuluyang ma-solusyunan -Valeriano
NANINIWALA ang isang kongresista at Chairman ng House Committee on Metro Manila Development na matatagalan pa bago masolusyunan ang matinding problema ng trapiko sa Metro Manila.
Sinabi ni Manila 2nd Dist. Congressman Rolando “CRV” M. Valeriano, Chairperson ng Committee on Metro Manila Development, sa kabila ng mga ipinapatayong infrastructures o railways system para maibsan ang pagsisikip ng mga lansangan upang unti-unting masolusyunan ang pagbibigat ng mga lansangan.
Kinakailangang baguhin aniya ang sistema sa pagkuha ng mga sasakyan kabilang na dito ang polisiya o patakaran mismo ng mga Local Government Units (LGUs) kaugnay sa pag-iisyu ng mga permit.
Ayon kay Valeriano, dapat magpatupad ang Land Transportation Office (LTO) ng isang polisiya na hindi na papayagang bumiyahe sa mga lansangan ang mga sasakyang nasa 10 hanggang 15 years ng ginagamit na nagiging dahilan din kung bakit sumisikip ang mga kalsada sa Metro Manila.
Bukod dito, dapat magkaroon din ng polisiya ang pamahalaan na hindi maaaring bumili at magkaroon ng sasakyan ang isang indibiduwal kung wala naman itong mapaparadahan ng kaniyang kotse. Sapagkat ang ginagamit nilang aniyang parking area ay mismong mga gilid ng kalsada.
Idinagdag pa ni Valeriano na habang ang mga LGUs naman ay nag-iisyu ng mga building permit para sa isang business establishment kahit wala naman itong maayos na paradahan para sa kanilang mga costumers. Kung saan, ang dalawa o tatlong parking slot ay ginagawa nilang pang-limahan.
Dahil dito, binigyang diin ni Valeriano na hindi aniya mababago at mareresolba ang problema ng matinding trapiko sa Metro Manila kung hindi mismo mababago ang kabuuang sistema gaya ng mga binanggit nito. Sapagkat magpapa-ulit-ulit lamang umano ang nasabing problema.
Sinabi pa ng Chairman ng House Committee on Metro manila Development na kung seseryoshin lamang ng pamahalaan ang problema ng trapiko sa Metro Manila sa pamamagitan ng pagtutok mismo nito sa mga maling sistemang inihalimbawa nito ay makakaya naman tuldukan ang problema ng trapiko.
Love the Philippines ng Department of Tourism dinepensahan ni Cong. Duke Frasco
IPINAGTANGGOL ni House Deputy Speaker at Cebu 5th Dist. Congressman Vincent Franco “Duke” D. Frasco ang bagong slogan ng Tourism Department na “Love the Philippines” matapos magbitaw ng pahayag si Albay 2nd Dist. Representative Joey Sarte Salceda patungkol dito.
Umalma kasi si Salceda sa bagong slogan ng Department of Tourism (DOT) sapagkat hindi napasama dito ang ipinagmamalaking Mayon Volcano sa Albay matapos nitong ipahayag na hindi kumpleto ang Philippine tourism kung hindi naman mapapasama dito ang Mayon Volcano.
Dahil sa iyung ito, sinagot naman ni Congressman Frasco ang naging pahayag ni Salceda sa pagsasabing kung titignan at susuriin lamang mabuti ng Bicolano Congressman. Kapansin-pansin aniya na kabilang ang Mayon Volacano sa limampung (50) kabundukan o volcanos na nire-representa ng DOT slogan.
Sinabi pa ni Frasco na sa halip na punahin o batikusin umano ang bagong slogan ng Tourism Department na “Love the Philippines”. Makabubuti aniyang suportahan na lamang ito sapagkat ang mga Pilipino at ang bansa rin naman ang makikinabang dahil sa mga dayuhang turista na bibisita sa Pilipinas.
Binigyang diin ng Cebu Congressman na malaki ang magiging pakinabang ng mga Pilipino sa bagong slogan ng DOT sapagkat bubuksan nito ang napakaraming oportunidad para sa Philippine tourism. Kabilang na dito ang pagkakaroon ng maraming trabaho at pagbubukas ng mga negosyo.
Sinabi pa ni Frasco na sa initial video ng Love the Philippines na nagpo-promote sa Pilipinas bilang isang world class tourist destination. Ipinasusulyap aniya ng nasabing video ang kagandahan ng Pilipinas.