Valeriano

Programa ni Mayor Lacuna para sa mga seniors, PWDs ikinagalak ng Batang Tondo Valeriano

Mar Rodriguez Aug 18, 2024
78 Views

๐—œ๐—ž๐—œ๐—ก๐—”๐—š๐—”๐—š๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ž ๐—ป๐—ด ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐˜‚๐—ฟ๐—ถ๐—ฎ๐—ป๐—ด “๐—•๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ง๐—ผ๐—ป๐—ฑ๐—ผ” ๐—ป๐—ฎ ๐˜€๐—ถ ๐— ๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—น๐—ฎ ๐Ÿฎ๐—ป๐—ฑ ๐——๐—ถ๐˜€๐˜. ๐—–๐—ผ๐—ป๐—ด. ๐—ฅ๐—ผ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐—ผ “๐—–๐—ฅ๐—ฉ” ๐— . ๐—ฉ๐—ฎ๐—น๐—ฒ๐—ฟ๐—ถ๐—ฎ๐—ป๐—ผ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฟ๐—ผ๐—ด๐—ฟ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ถ๐—ป๐—ถ๐—น๐˜‚๐—ป๐˜€๐—ฎ๐—ฑ ๐—ป๐—ถ ๐— ๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—น๐—ฎ ๐— ๐—ฎ๐˜†๐—ผ๐—ฟ ๐——๐—ฟ๐—ฎ. ๐—›๐—ผ๐—ป๐—ฒ๐˜† ๐—Ÿ๐—ฎ๐—ฐ๐˜‚๐—ป๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐˜€๐—ฒ๐—ป๐—ถ๐—ผ๐—ฟ ๐—ฐ๐—ถ๐˜๐—ถ๐˜‡๐—ฒ๐—ป๐˜€ ๐—ฎ๐˜ p๐—ฒ๐—ฟ๐˜€๐—ผ๐—ป๐˜€ ๐˜„๐—ถ๐˜๐—ต ๐—ฑ๐—ถ๐˜€๐—ฎ๐—ฏ๐—ถ๐—น๐—ถ๐˜๐—ถ๐—ฒ๐˜€ (๐—ฃ๐—ช๐——๐˜€) ๐—ป๐—ฎ ๐—ฟ๐—ฒ๐˜€๐—ถ๐—ฑ๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฒ ๐—ป๐—ด ๐— ๐—ฎ๐˜†๐—ป๐—ถ๐—น๐—ฎ.

Ayon kay Valeriano, chairperson ng House Committee on Metro Manila Development, na napakaganda at malaking tulong ang progama ni Mayor Lacuna para sa mga senior citizens at PWDs matapos itong lumagda sa kasunduan sa pagitan ng Manila City government at Popeyes at Khao Khai Tai Chicken.

Sa naturang kasunduan, sabi ni Valeriano, mabibigyan ng pagkakataon ang mga senior citizens at PWDs na makapagtrabaho sa mga sangay ng nasabing food chains na nasa Lungsod ng Maynila.

Paliwanag ni Valeriano, kaya nito nasabing maganda ang programa ni Lacuna sapagkat sa kabila ng kanilang katandaan at taglay na kapansanan ay maaari pa rin silang mabigyan ng pagkakataon na maging prodaktibo at kahit papaano ay magkaroon ng kaunting pagkakakitaan para magkaroon sila ng panggastos para tustusan ang kanilang mga pangangailangan.

Pagdidiin pa ng kongrsista, ang programa din ni Lacuna ay isang napakalinaw na testamento ng pagbibigay halaga sa importansiya ng Lungsod sa mga Senior Citizens at PWDs na sa kabila ng kanilang katandaan at kapansanan ay maaari parin silang maging kapaki-pakinabang.

Sa ilalim ng nasabing kasunduan, ang lahat ng sangay ng Popeye sa Maynila ay tatanggap ng mga aplikanteng mga senior citizens at PWDs.

Nangako rin ang Khao Khai Chicken na tatanggap ng dalawang senior citizens at isang PWD sa kanilang sangay sa SM Manila.

To God be the Glory