Martin2

Programa ni PBBM makatutulong upang maabot rice sufficiency ng PH

146 Views

NAGPAHAYAG ng kumpiyansa si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na ang magkaka-ugnay na programa ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ay makatutulong upang maiwasan ang mga pagbaha at maabot ang rice self-sufficiency sa bansa.

Ang programa ay naglalayong pag-isahin ang flood control program ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa National Irrigation Administration’s (NIA) water conservation efforts upang mabisang magamit ang water resources ng bansa.

Bukod sa pagtiyak na mayroong tubig para sa irigasyon, layunin ng programa na matiyak na mayroong sapat na inuming tubig, na magagamit rin sa paglikha ng kuryente, at sa sektor ng aquaculture bukod pa sa pagligtas sa mga buhay sa pamamagitan ng pagtiyak na hindi malalagay sa panganib ang mga ito sanhi ng pagbaha.

“This would lead us to, I believe, rice self-sufficiency due to higher productivity before the term of the President ends in 2028. That’s the target, that’s the goal, that’s our aspiration and I believe we’re on our way to that,” ani Speaker Romualdez sa pagpupulong ng DPWH, NIA, at mga kongresista kung saan pinag-usapan ang programa.

“Ibang klase talaga itong vision ng ating Presidente through the integration of this vision by the administrator of the NIA, implemented efficiently with the expertise of the Public Works,” sabi pa ni Romualdez, lider ng Kamara na mayroong mahigit 300 kinatawan.

Sa nakalaang P349 bilyong pondo para sa flood control ngayong 2024, sinabi ni Speaker Romualdez na nagbibigay ito ng oportunidad upang magawa ang proyekto na mayroong iba’t ibang layunin.

Nagpasalamat din si Speaker Romualdez sa mga miyembro ng Kamara na aktibong nakilahok at nagpakita ng interes sa pagpupulong.

“But of course, through your active participation, cooperation, and coordination, we can get the most bang for the buck. Talagang sulit na sulit ang pagkagamit ng pondo ng ating gobyerno,” dagdag pa ni Speaker Romualdez.

“Alam nyo naman ang estilo natin dito sa Kongreso, di tayo nag-iimpose kundi nagkukunsulta parati tayo and we try to get a consensus. And I am so, so, we are all so happy that we have all come together as a team. Tama talaga yung sinasabi ng ating Presidente, basta sama-sama, babangon tayo muli,” wika pa nito.

Sinabi ni Speaker Romualdez na ang programa ay patunay na ang administrasyong Marcos ay seryoso na mabigyan ang mga Pilipino ng maayos na kinabukasan.