Calendar
Programa para maitanim kahalagahan ng kapayapaan binubuo ng DepEd
ISANG programa ang binubuo ng Department of Education (DepEd) para maitanim sa isip ng mga estudyante ang kahalagahan ng kapayapaan at maging bahagi ang mga ito ng pagpapanatili nito sa kani-kanilang komunidad.
Ayon kay Vice President at Education Secretary Sara Duterte nakita nito kung papaano nasira ang buhay ng maraming kabataan dahil sa pagsali sa New People’s Army (NPA).
Ang programa ay tinatawag umanong National Culture for Peace.
“Dito, gusto namin na masali sa ating basic education ang pagtuturo kung paano maging peace builder ang isang bata from Kindergarten to Grade 12, so that when they leave basic education, they are our advocates for peace doon sa ating mga communities,” sabi ni Duterte.
Sinabi ni Duterte na maraming kabataan ang namatay o nakulong at nawalan ng magandang hinaharap dahil sa pagsali sa NPA.