PBBM

Programa para sa disenteng pabahay magpapatuloy—PBBM

299 Views

NANGAKO si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magpapatuloy ang pagbubukas ng mga mura at disenteng pabahay na mayroong kinakailangang pasilidad para sa mga ordinaryong Pilipino.

“I’m glad that we are continuing. This is not the first groundbreaking that I have attended. I hope… I know it will not be the last, and that we will continue to break ground in different parts around the country para naman ‘yung ating pinapangarap na one million homes a year,” ani Marcos sa groundbreaking ng Palayan City Township Housing Project sa Nueva Ecija.

Target ng Pangulo na makapagpatayo ng 1 milyong pabahay kada taon sa loob ng anim na taon upang maubos ang housing backlog sa bansa.

“One million homes a year, pagka naabot natin ‘yun, at least napakalaking bagay na ‘yan na nabigyan natin ng solusyon ang problema ng bahay ng ating mga kababayan,” sabi ng Pangulo.

Sinabi ng Pangulo na dapat kasama sa housing project ang pagtatayo ng mga pasilidad gaya ng paaralan, palengke, at transport hub.

“Yun ang mga dapat — hindi dapat makalimutan at kaya’t ito ating ginagawa, ganoon ang ating sinusundan. And I hope that we will continue at this rate at kailangan na kailangan talaga natin gawin ‘to but this is one of the many actually that we are going to break ground,” dagdag pa ni Marcos.

Nagpasalamat si Marcos sa Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) at lokal na pamahalaan ng Palayan City sa paglulungsad ng proyekto.