Garafil

Proteksyon ng mga mamamahayag mahalaga kay PBBM

205 Views

TINIYAK ni Undersecretary Cheloy Velicaria-Garafil, officer-in-charge ng Office of the Press Secretary, na pinapahalagahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos ang pangangailangan na maproteksyunan at maging ligtas ang mga miyembro ng media.

“Makaaasa kayo na ang ating Pangulo, President Ferdinand R. Marcos ay patuloy ang pagkilala sa hanay ng media bilang importanteng haligi ng ating demokrasya,” sabi ni Garafil.

Ayon kay Garafil alam ng Pangulo ang kahalagahan ng media sa pag-unlad ng bansa.

“Patuloy ang commitment niya na kayo ay proteksyonan at kilalanin ang inyong important role sa nation building,” dagdag pa ng opisyal.