Calendar
PRRD, Bato dela Rosa iimbitahan sa quad committee probe ng POGO, EJK, iligal na droga
IIMBITAHAN sa joint investigation ng apat na komite ng Kamara de Representantes sina dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte at Sen. Bato dela Rosa upang magbigay linaw sa mga isyu ng extrajudicial killings sa pagpapatupad ng war on drugs, POGO, at extrajudicial killings.
Humarap sa media nitong Martes sina Rep. Robert Ace Barbers ng Committee on Dangerous Drugs, Rep. Bienvenido Abante ng Committee on Human Rights, Rep. Dan Fernandez ng Committee on Public Order and Safety, Rep. Joseph Stephen Paduano ng House Committee on Public Accounts, at Antipolo City Rep. Romeo Acop.
Ayon kay Barbers ang “quad-comm” probe ay makasaysayan at kauna-unahang gagawin sa Kamara de Representantes upang mas malinawan ang magkaka-ugnay na isyu ng P3.6 bilyong halaga ng shabi na nasamsam sa Mexico, Pampanga, EJK sa Duterte war on drugs, POGO, at ang pagkakasangkot dito ng mga opisyal ng gobyerno.
“It is historic in the sense that this is the first time it’s going to happen because mayroon pong urgent national issues that the House of Representatives is presently and currently addressing in the four committees that we are conducting hearings on,” ani Barbers.
Nang tanungin kung iimbitahan sa pagdinig ng quad-comm si Duterte, sagot ni Barbers “Yes, we will invite the former President to enlighten us on the issue of the war on drugs. Maybe he can shed some information that would be of help in the writing of the committee report, especially doon sa remedial legislation na plano namin maging produkto nito.”
“His expertise, his wisdom will be appreciated by the quadcomm. Kaya kailangan namin marinig sa kanya mismo,” dagdag pa ni Barbers.
Ayon kay Abante maraming tanong ang mga miyembro ng komite na si Duterte lamang ang makasasagot.
“We invited the former president to come, and he didn’t come … The thing is, even the other committee would want to invite the former president. Sapagkat siya lang ang makakasagot ng mga tanong na ito,” ani Abante.
Isa umano sa mga tanong ang pagkakaiba ng mga datos kaugnay ng totoong bilang ng mga namatay sa war on drugs.
“At hindi lang ito. Na-find out din namin na may reward system. Saan nanggagaling ang pera na ibinibigay sa mga nakakapatay na mga pulis? Iyon ang tanong naming dito,” sabi pa ni Abante.
“Kaya’t sabi namin eh magkakasundo-sundo na kami para maimbitahan ang dating Pangulo para sagutin niya ang lahat ng mga bagay na ito. Because this concerns our national security at siya lamang ang makakasagot nito,” dagdag pa nito.
Ayon kay Abante ang unang pagdinig ng quad comm ay isasagawa sa Agosto 15. Iimbitahan din umano si Dela Rosa na hepe ng PNP ng ipatupad ang war on drugs.
“Iimbitahan din namin sapagkat kasama rin dito si Sen. Bato Dela Rosa. Iimbitahan namin siya. Now it’s up to him kung pupunta siya o hindi. Si Harry Roque, iimbitahan din namin siya. Lahat ng mga dati ng mga generals na involved, involved sa mga pagpatay during the war on drugs, iimbitahan din po namin,” deklara ni Abante.
“By the way, we are not inviting him because he is a senator. We are inviting him because he used to be the Director General (of the PNP) in which libo-libo ang napatay,” punto pa nito.
Ayon kay Fernandez pinag-isa ang imbestigasyon ng apat na komite dahil magkaka-ugnay ang mga isyu na kanilang iniimbestigahan.
“Talagang nakita namin na interconnected yung lahat ng mga issues. “And what is the primary objective doon sa ginagawa namin? To fast-track para at the same time makita natin yung mga gagawin nating mga batas and at the same time kung ano yung magiging recommendation nung apat na committees,” sabi ni Fernandez.
“So basically, pinadadali po natin yung imbestigasyon and as a matter of fact, ‘yun po yung discussion with the Speaker. Para ng sa ganon ay makita po natin kung ano po talaga yung problema na kinahaharap ng ating bayan,” dagdag pa ni Fernandez.
Ayon kay Paduano napansin ng apat na komite na magkakakonekta ang kanilang mga iniimbestigahang isyu batay sa mga lumabas na ebidensya kaya nagdesisyon sila na pag-isahin na lamang ang pagdinig para mabuo ang totoong pangyayari.
“Kaya kailangan itong apat na committee na magkasama-sama kasi they are interlocking at data and personalities,” sabi ni Paduano.
“Nagko-connect-connect yung mga individuals kaya kailangan para magsalubong na lahat. Kasi kaya nga this investigation ng Committee on (Dangerous) Drugs … may lumalabas na mga pangalan in which those names na lumalabas is connected to POGO, is connected to drugs,” dagdag pa nito. “So that’s why we asked the chairmen, including Chairman Acop, who asked the leadership na dapat i-consolidate na ito lahat, and the quadcom was created for this purpose.”
Si Acop ay vice-chairman ng Committees on Dangerous Drugs at ng Public Order and Safety, at miyembro ng Committees on Human Rights at on Public Accounts.
“Sa lahat po ng hearing na na-attendan ko, dun sa apat na committee na ito, nakita ko na there are certain things or issues na intertwined with one another,” ani Acop, chairman ng House Committee on Transportation.
“So, there came a point na kami na mga chairmen, nag-usap usap kasi nahihirapan kami na lumalabas sa isang committee yung isang issue, connected with other committees to such an extent na kailangan ilabas naming ulit doon sa committee,” sabi pa nito.
“So ang nagyayari, hindi namin matagpi-tagpi yung mga information about common issues. So sabi ko, why don’t we come up with a whole-of-nation approach? Magsama-sama na tayo para iisa na lang ang committee na hahawak sa lahat ng issues na intertwined with one another? Yun po ang nangyari,” dagdag pa ni Acop.