PSA

PSA kumpiyansa na matatapos pag-imprenta sa 30.1M national ID bago matapos ang 2022

Anchit Masangcay Aug 26, 2022
212 Views

KUMPIYANSA ang Philippine Statistics Authority (PSA) na matatapos ang pag-imprenta ng 30.1 milyong national identification cards bago matapos ang taon.

Ayon sa Office of the Press Secretary (OPS) hanggang noong Agosto 23 ay nakapag-imprenta at naipadala na ng PSA ang 17.6 milyong ID sa Philippine Postal Corporation (PhilPost) na siyang magde-deliver nito sa mga bahay-bahay.

Ang average na naiimprenta umanong ID kada araw ay 103,000. Ang ID ay iniimprenta ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Puspusan ang pagsusumikap ng PSA upang maabot ang target nito ngayong buwan at magamit ang mga ID upang mapabilis ang pagseserbisyo ng gobyerno sa publiko gaya ng paghahatid ng ayuda.

Plano ng PSA na gumawa rin ng digital o printable ID na maaaring gamitin habang wala pa ang pisikal na national ID.