Mapa

PSA: Pagtaas ng presyo ng bilihin nagpatuloy sa pagbagal

216 Views

SA ikaapat na buwan ay muling bumagal ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin o inflation rate, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Ayon kay National Statistician and PSA chief Claire Dennis Mapa noong Mayo ay nakapagtala ng 6/1 porsyentong inflation rate mas mababa sa 6.6 porsyento na naitala noong Abril.

“Ang pangunahing dahilan ng pagbagal ng antas ng inflation nitong Mayo 2023 kaysa noong Abril 2023 ay ang mas mabagal na paggalaw ng presyo ng Transport,” ani Mapa.

Malaki umano ang naging pababa sa presyo ng produktong petrolyo.

Mas mataas naman ito sa 5.4 porsyento na naitala noong Mayo 2022.

Ang naitalang inflation rate ay pasok sa forecast ng Bangko Sentral ng Pilipinas na 5.8 porsyento hanggang 6.6 porsyento.