PSC Panauhin si PSC Commissioner Celia Kiram sa “Sports On Air” kamakailan.

PSC positibo pa din sa Vietnam SEA Games

Robert Andaya Mar 17, 2022
299 Views

NANANATILING positibo ang pananaw ng Philippine Sports Commission (PSC) sa
darating na kampanya sa 31st Southeast Asian Games sa kabila ng napapaulat na pagtaas ng mga bagong cases ng COVID-19 sa Vietnam.

Tiniyak ni PSC commissioner Celia Kiram na patuloy na binabantayan ng government sports agency ang health situation sa Vietnam, na kung saan gaganapin ang biennial competition sa darating na Mayo 12-23.

“If you ask me, gusto ko talagang matuloy itong SEA Games kasi sayang naman yung preparasyon ng mga NSAs natin,” pahayag ni Kiram sa nakalipas na weekly “Sports on Air” podcast kamakailan.

“Pero sa ngayon hindi ko masabi kung matutuloy. But health should always be our priority. Alam din naman yun ng SEA Games Federation at ng organizing committee.Ayaw natin lahat magin g parte ng pagdami pa ng COVID,” dagdag pa ni Kiram, ang nag-iisang female commissioner ng PSC.

“I’m just hoping na bigla ding bumaba ang mga cases kagaya noong nangyari sa atin. Hopefully bumaba na next week. Let’s pray na matuloy dahil sayang ang pinaghirapan ng mga atleta at ng mga NSAs sa kanilang mga atleta.”

Una dito, naiulat ang biglaang pagtaas ng mga COVID-19 cases sa Vietnam, na kung saan pumalo ito sa record-high number na 265,163 new infections.

Ayon pa kay Kiram, ang naturang biglang paglobo ng mga kaso ay naging dahilan din sa desisyon ng kapwa nya PSC commissioner m si Mon Fernandez na huwag na munang dumalo sa nakatakdang Chef de Mission meeting sa Vietnam

Tiniyak din ni Kiram na patuloy naman sa kanilang bubble training ang walong NSAs na nasa pangangasia niya.

..”Everything is OK as far as the eight sports under my oversight committee. Sa gymnastics, meron tayong bagong gym for them na sinusuportahan ng mga stakeholders gaya ng MVP Group at PLDT. Sa PSC naman ang mga equipment at rental ng venue,” paliwanag ni Kiram.

“Sa tennis, meron silang isang area na pinagpa-practisan din. Yung canoe kayak at dragon boat, nasa Tacloban na sila nag-bubble training ngayon. Ang triathlon, meron tayong nasa abroad. From time to time, meron silang competitions sa Clark at Subic. Ang table tennis, meron din silang isang venue na pinaglalaruan sa Marikina. Ang soft tennis meron din sila sa Sta. Rosa, Laguna. Sa squash, nasa Muntinlupa. Ang dancesport wala din problema sa training kahit nga nasa isang sulok ng bahay, patuloy sila.”