philippine-sports-commission

PSC Sports Science lecture tuloy

Robert Andaya Mar 23, 2022
278 Views

BIBIGYAN ang mga piling coaches mula sa iba’t ibang probinsya ng sports scientific lectures sa pagpapatuloy ng Philippine Sports Commission (PSC) National Sports Coaching Certification Course (NSCCC) ngayong araw.

Mahigit 100 coaches sa buong bansa ang inaasahang sasali sa Level 2 ng online lectures para sa badminton at lawn tennis sa pamamagitan ng Zoom mula Marso 24 hanggang 26 sa pangunguna ng Philippine Sports Institute (PSI) ng ahensya.

“We want to continue building on the momentum we had last year with these coaches and elevate their learning and mastery of coaching in their specific sport,” sabi ni PSI Grassroots Program Head Abby Rivera.

Ito ang ikatlong leg ng NSCCC na nagsimula sa unang kurso nito sa Sport-Specific Training para sa table tennis Level 1 at Sports Science Lectures Level 2 noong Pebrero 24 hanggang 26 at Marso 17 hanggang 19, ayon sa pagkasunod-sunod na may halos 200 coach na dumalo.

Dagdag pa ni Rivera: “More than half of the attendees also signed up for the optional examination where they are entitled to receive certificates.”

Pagkatapos ng tatlong kurso, ang PSI ay magpapatuloy ng isa pang hanay ng mga paksa at lektura para sa Sports Science Level 1 hanggang Abril 28, na pangungunahan ng kadalubhasaan ni Prof.

Henry Daut para sa Sports Management, UP CHK Dean Francis Carlos Diaz para sa Training Program Design & Development, Karen Leslie Pineda, Ashly Villa at Jane Serapion para sa Sports

Nutrition, Arsenio Lantin, MD at Victor Francis Gaddi, MD para sa Sports Sports Injury and Rehabilitation, Mary Jane Santos para sa Sports Massage, at Marc Donyell Bayang para sa Strength at Conditioning.