Abalos

Publiko binabalaan sa nagpapakilalang DILG chief na nanghihingi ng pera

198 Views

NAGBABALA ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa publiko laban sa nagpapakilala umanong si Secretary Benjamin Abalos Jr. at nanghihingi ng pera o gamit.

“We have received such reports from a provincial governor, a vice-governor, and a Department Secretary that they received various calls from poseurs claiming to be the DILG Chief and asking for financial support. This is not (legitimate),” sabi ni Abalos sa isang pahayag.

Nagsasagawa na umano ng imbestigasyon ang mga otoridad upang mahanap ang mga suspek at makasuhan ang mga ito.

Ipinarating na rin umano ng DILG ang modus sa mga opisyal ng lokal na pamahalaan.

“Let me put it on record that I will not, in my personal or official capacity, give financial or material support nor will I ask anyone to solicit money on my behalf for any illegal purpose especially that of in contravention to the ideals and mission of the DILG which is mandated to ensure peace and order and public safety,” dagdag pa ni Abalos.