Batangas

Pulis Batangas pinulong bilang paghahanda sa Undas

12 Views

PINANGUNAHAN ni Batangas City Police Station (BCPS) Chief PLtCol. Jephte Banderado ang isang pagpupulong, Setyembre 24, bilang paghahanda sa nalalapit na paggunita ng Undas sa lungsod.

Ipinabatid niya na magtatalaga ng Police Assistance Desks sa anim na sementeryo sa Batangas City kung saan paiigtingin ang police visibility.

Humigit kumulang na 200 traffic enforcers ang mangangasiwa sa trapiko upang matiyak ang maayos na daloy ng mga sasakyan lalo’t higit sa mga pangunahing daan patungong mga sementeryo.

Titiyakin din ang kaligtasan ng mga bibisita at pagtugon sa mga emergency situations sa pamamagitan ng paglalagay ng mga first aid stations.

Hinikayat ni Banderado ang kooperasyon ng publiko sa pagsunod sa mga paalala ng lokal na pamahalaan upang masiguro ang tahimik at maayos na paggunita ng Undas 2024.