Justin Tampok sa “Nasa Iyo ang Panalo” ng Puregold ang kuwento ng tagumpay ni Justin de Dios, sub-vocalist at creative lead ng SB19, isang sikat na boy band sa Pilipinas.

Puregold, binida ang mga Pilipinong ‘wagi’ at ang kuwento ng kanilang tagumpay

Eugene Asis Oct 30, 2022
394 Views

 

Luis
Ikinuwento ng mag-asawang Luis Manzano at Jessy Mendiola ang kanilang makapangyarihang pag-ibig na gumabay sa kanila sa bawat panalo sa kanilang buhay.

 

Francine
Ibinahagi ni Francine Diaz, isang aktres, modelo, at endorser, kung paano niya napagtagumpayan ang mga hamon sa kaniyang buhay at narating ang kaniyang estado bilang sikat na aktres sa kaniyang “Nasa Iyo ang Panalo” video.

 

QueenayQueenay1

Queenay2
Sa kaniyang “Nasa Iyo ang Panalo video”, ipinangako ni Queenay Mercado na patuloy na magbabahagi tungkol sa kaniyang pinagmulan sa kaniyang mga tagapanood, at mananatiling totoo sa kaniyang sarili.

MAY isang mahalagang layunin ang Puregold sa pagdiriwang nito ng ika-25 na taon sa industriya ng retail: na ibida ang ‘Panalo Stories’ ng mga suki nito–mga Pilipino sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Sinimulan ng Puregold ang pagkamit ng layong ito sa pagbabahagi ng mga kuwento ng apat na sikat na personalidad sa mga larangan ng showbiz, musika, at isports. Inanunsyo ng Puregold ang mga bago nitong endorser sa isang kampanyang pinamagatang “Nasa Iyo ang Panalo.” Tampok ang mga video na na ipinapakita ang tinahak ng mga nasabing indibiduwal upang marating ang estado ng kanilang mga buhay ngayon, may isang mensaheng isinisiwalat ang mga video na ito: na maaari ring magwagi sa buhay ang mga Pilipino.

Ani Vincent Co, presidente ng Puregold Price Club, Inc, “Hindi magiging possible ang tagumpay naming kung wala ang aming mga mamimili, ang mga Pilipinong nakasama naming sa pagdaan ng mga taon. Ngayong ika-25 na taon ng Puregold, gusto naming maiparating ang taos-puso naming pasasalamat, at umaasa kaming makikita rin ng mga Pilipino na posible rin ang tagumpay para sa kanila.”

Isa sa mga bida sa “Nasa Iyo ang Panalo” si Justin de Dios, mas kilala bilang “Justin,” ang sub-vocalist at creative lead ng sikat na boy band na SB19. Isang singer, rapper, at aktor, minsan nang nagduda si Justin kung makakamit ba niya ang tagumpay gamit ang talent niya sa musika, subalit dahil sa determinasyon, naging isa siya sa mga kilalang bituin ngayon ng Philippine Pop.

“May panahong walang gustong makinig sa’kin; mga panahong gusto ko nang sumuko. Pero hindi ako nagpatalo,” kuwento niya sa kaniyang video, na sa kasalukuyan ay nag-ani na ng 3.9 milyon na views, isang patunay na napakaraming nakikinig at naniniwala sa kaniya.

Nakita natin sa marami na niyang mga teleserye na hindi lamang magandang mukha si Francine Diaz, kung hindi mahusay rin sa pag-arte. Sa kaniyang “Nasa Iyo ang Panalo” video, ibinahagi niya, “May mga iniyakan, pero mas marami akong nilabanan. Ang pagpursigi ko, walang cut, dahil alam kong nasa akin ang panalo.”

Dahil inspirasyon niya ang kaniyang pamilya, nakapagpursigi si Francine at narating kung nasaan na siya ngayon—isang magaling na aktres na may mga fan nagmamahal sa kaniya, at mga proyekto at endorsement na nakapila.

Tampok rin sa “Nasa Iyo ang Panalo” ang mag-asawang Luis Manzano at Jessy Mendiola, mga malalaking pangalan sa showbiz bago pa man sila magtagpo.

Sa kanilang video, ibinunyag ng malapit nang maging first-time parents ang kanilang pagmamahal bilang pinakamatayog nilang tagumpay, at kung paanong ang kanilang samahan ang nagpapaniwala sa kanilang malalagpasan nila ang ano mang pagsubok na haharapin. Sabi nga ng mag-asawa, “Hindi mo kailangang maging mag-isa. May kasama kang sasalubong sa kahit anong ibigay ng tadhana.”

Isang kilalang pangalan sa Tiktok, na napakasikat na plataporma sa social media para sa henerasyong ito, mayroon ding kuwento ng tagumpay si Queenay Mercado, isang influencer, aktres, at kilala bilang “Reyna Batangueña ng Tiktokverse.”

Sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga bagay mula sa kaniyang pinagmulan sa Tiktok, mayroon na ngayong 12 milyon na follower si Queenay Mercado. Kahit ganito, nananatili siyang lapat sa lupa. Sabi nga niya sa kaniyang “Nasa Iyo ang Panalo” video, “Isang maliit na boses mula sa malayo . . . ipinagmalaki ko at ipinarating sa buong bansa, at sa ibang parte ng mundo.”

Mayroon ring kuwento ng determinasyon at pagsusumikap ang pole vaulter at record-holder na si EJ Obiena, ang kokompleto sa anim na matagumpay na personalidad na tampok sa “Nasa Iyo ang Panalo.”

Dahil sa kaniyang tibay ng loob at tiyaga, narating ni EJ Obiena ang estado niya ngayon bilang atleta. Patuloy lamang siya sa mga kompetisyon at sa pag-uwi ng tagumpay para sa sarili at para sa bayan. Aniya, “Sugod lang hanggang tuktok, dahil kahit anong mangyari, alam kong nasa akin ang panalo.”

Maaaring abangan ng mga suki ng Puregold at mga follower ng mga digital channel ang iba pang mga Panalo Stories ng mag personalidad na ito, at ng mga ordinaryong Pilipino rin, ngayong nagdiriwang ang retail chain ng kaniyang ika-25 na taon.

Ayon kay Vincent, “Isang karangalan para sa Puregold ang magkaroon ng oportunidad na hikayatin ang mga Pilipino na hawakan ang kanilang tadhana at simulan ang paglalakbay tungo sa pagkamit ng kanilang mga aspirasyon. Sana, sa pamamagitan ng “Nasa Iyo ang Panalo” makita natin na ang panalo ay nasa bawat isa sa atin.”

Para sa iba pang mga update, i-like ang @puregold.shopping sa Facebook, i-follow ang @puregold_ph sa Instagram at Twitter, at mag-subscribe sa Puregold Channel sa Youtube.