Knife

Pusa nangapitbahay, sinaksak ng 79-anyos na lolo

Edd Reyes Mar 11, 2026
259 Views

ARESTADO ang 79-anyos na lolo matapos saksakin ang pusa ng kanilang kapitbahay na dumayo sa kanyang tirahan sa Valenzuela City.

Nakabaon pa ang ginamit na patalim sa paa ni “Muning” nang makita ni alyas “Boy”, 33, ang kanyang alaga habang malakas na ngumi-ngiyaw noong Lunes ng gabi sa bintana ng kanilang bahay sa Brgy. Lingunan, habang kainuman ang kanyang bayaw.

Nang tuntunin ng mag-bayaw ang mga patak ng dugo, humantong ito sa bahay ng suspek na naging daan para sila magsuplong sa mga tauhan ni Valenzuela police chief P/Col. Joseph Talento matapos dalhin sa veterinary clinic ang pusa para ipagamot.

Sa halip humingi ng paumanhin, sinermunan pa umano ng suspek ang tagapag-alaga ng pusa dahil sa pagpapabaya umano sa kanyang alaga na dahilan para tuluyan siyang ireklamo ni alyas Boy sa pulisya.

Naka-detine na sa custodial facility ng Police Sub-Station 6 ang suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 8485 o ang Animal Welfare Act of 1998 na inamiyemdahan ng R.A. 10631 sa Valenzuela City Prosecutor’s Office.