Calendar
QC cops kumilos, 236 crime suspek naisako
DIRETSO sa malamig na rehas ang 236 na suspek sa halu-halong krimen na nahuli sa isang linggong operasyon ng Quezon City Police District (QCPD) mula Pebrero 23 hanggang Marso 1.
Ayon kay QCPD director P/Col. Melecio Buslig Jr., 62 wanted persons, 62 suspek sa ilegal na droga at 9 na suspek sa pagdadala ng baril na walang lisensya, habang 103 manunugal ang naiselda nila.
Umabot sa 44 anti-illegal drug operations na nagresulta sa pagkakaaresto sa 62 drug suspects at pagkakakumpiska ng 274.59 gramo ng illegal na droga, na may halagang P1,230,498 ang nagawa ng QCPD.
Sinabi ni Buslig, sa 9 na operasyon kontra ilegal na pagdadala ng baril, 9 ang nakumpiskang armas, habang sa 48 operasyon sa ilegal na pagsusugal nakumpiska ang P33,776 na pusta.
“Asahan po ng publiko na patuloy na maging masigasig ang kapulisan ng Kyusi sa pagpapatupad ng operasyon laban sa kriminalidad,” sabi ng QCPD chief.