QC gov’t magsusulong ng mga program para pangalagaan ang kalikasan

Mar Rodriguez Jun 7, 2022
188 Views

ISUSULONG ng Quezon City government ang iba’t-ibang programa para pangalagaan ang kalikasan sa pamamagitan ng paghahain at pagpasa ng mga ordinansa upang laban ang banta ng “global climate change”.

Sinabi ni QC Vice-Mayor Gian Sotto na isa sa mga estratehiya na isinulong ng lokal na pamahalaan ay ang pagkakaroon ng 93-kilometrong bike lane na maaaring magamit ng publiko. Layunin nito na mai-promote ang programa ng QC Government laban sa “Air Pollution”.

Binigyang diin ni Sotto na responsibilidad ng QC government na pangalagaan ang mga residente ng Lungsod. Mula sa banta ng polusyon at iba ang kahalintulad nito tulad ng “climate change” na lubhang makakaapekto sa kanilang kalusugan.

“It is the city government’s responsibility to protect its residents brought about by a warming planet. Through our collective effort with stakeholders and residents. We hope to become the lead city in advancing an inclusive, ambitious, evidence based innovative and transformative climate action in the Philippines,” sabi ni Sotto.

Ang ilan sa mga programang naisulong na ng lokal na pamahalaan ay ang pagbabawal sa ilang establisyemento na gumamit ng plastic bags, pagbabawas ng mga plastic wastes, pagkakaroon ng mga bike lanes at paghahain ng mga ordinansa laban sa paggamit ng mga plastics.