Belmonte

QC Mayor Joy Belmonte pati cheap publicity gimmick pinapatulan na

Mar Rodriguez Mar 3, 2022
281 Views

PATI “cheap publicity gimmick” ay pinapatulan na umano ni Quezon City Mayor Josefina “Joy” Belmonte para lamang makuha ang simpatya ng mga taga QC matapos sumadsad ang rating nito sa isang isinagawang survey.

Ganito ang pananaw ng kampo ni AnakKalusugan Party List congressman at Mayoral candidate Michael “Mike” T. Defensor kaugnay sa naging pagkilos ni Belmonte.

Matapos magsampa ng cyber libel ang nasabing lady mayor laban sa kongresista na itinuturing naman nina Defensor bilang isang “cheap publicity gimmick” sa hangaring makakuha si Belmonte ng simpatya mula sa taumbayan o mga residente ng Lunsod Quezon.

“The complaint is silly and futile because Mayor Belmonte is an elected official, not a private individual. And she knows this, desperada na siya kaya siya gumagawa ng ganitong gimmick” ayon kay Defensor.

Binigyang diin pa ng mambabatas na tahasang kinakasangkapan lamang siya si Belmonte para makakuha ng atensiyon mula sa publiko sa pamamagitan ng pagsasampa nito ng cyber lible laban sa kaniya na wala naman mabigat na katibayan.

“Mayor Belmonte is obviously just trying to draw attention to herself. She is just after the extra publicity at my expense. Ako sinampahan niya ng cyber libel complaint. Papano na lang kaya ang mga ordinaryong residente ng Quezon City na bumabatikos sa kanya sa social media?” sabi pa ng kongresista.

Iginiit pa ni Defensor na ang Korte Suprema na aniya ang nagsabi na ang sinomang kandidato na lumahok ngayong panahon ng halalan ay kailangang maging matibay ang sikmura at hindi “balat sibuyas” patungkol sa mga kritisismo at mga batikos laban sa kanila.

“The Supreme Court has time and again stressed that elected officials should not be onion-skinned or overly sensitive when it comes to public criticism. Ngayong panahon ng eleksiyon, hindi puwedeng puro tayo pa-cute, kailangan nakahanda tayong tumanggap ng mga batikos at pagpuna,” dagdag pa nito.

Hinahamon pa ng mambabatas si Belmonte na mas makabubuti kung magbibitiw na lamang siya bilang Mayor kung hindi umano nito kayang sikmurain o tanggapin ang mga pagpuna laban sa kanila. Partikular na sa uri ng pamumuno nito sa Lunsod.

“Like me, Mayor Belmonte is an elected official. We both cannot run away from harsh public scrutiny and disapproval. I urged Belmonte to resign as mayor if she can’t stand public denunciation,” hamon ni Defensor kay Belmonte.

Nag-ugat ang kasong ito nang mag-post ang kongresista sa Social Media nang pagpuna laban kay Belmonte na sinasabing nagpakawala ang nasabing Mayor ng “Baklas Army” upang tanggapin at baklasin ang kaniyang mga campaign posters.

“We would urge Mayor Belmonte to stop her antics, and to respond instead to the criminal complaints for plunder filed against her in connection with the P713 million worth of overpriced ayuda food packs that she bought,” pagtatapos ni Defensor.