Calendar

QCPD cops lumarga; 5 kriminal winalis
NALAMBAT ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) ang limang suspek sa magkakaibang krimen sa syudad.
Kinilala ni QCPD District Director P/BGen Melecio Buslig, Jr, ang mga nadakip na sina alyas Fajardo, 22; Luis, 58; Calinao, 38; Erquiza, at Manamparan.
Inaresto ng Fairview Police Station 5 sa ilalim ni P/Lt. Col. Geronimo Dimayuga, Jr., si Fajardo para sa statutory rape.
Tiklo si Luis sa pamumuno ni P/Lt. Col. Zachary Capellan dahil sa paglabag sa RA 9262 (Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2004).
Inaresto ng Galas Police Station 11 sa ilalim ni P/Lt. Col. Joseph Dela Cruz si Calinao dahil sa paglabag sa RA 10883 o New Anti-Carnapping Act of 2016.
Sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City natunton ng Holy Spirit Police Station 14 sa ilalim ni P/Lt. Col Rey Tad-o si Manamparan na nahatulan ng habambuhay na pagkabilanggo sa kasong murder.
Si Erquiza, na wanted din sa pagpatay, natunton na nakapiit na sa New BJMP sa Quezon City.