Calendar
QCPD cops nakatiklo ng 214 crime suspects
UMABOT sa 214 suspek sa krimen ang naaresto ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) sa anti-illegal drug at anti-criminality operations noong Enero 19 hanggang 25.
Ayon kay QCPD) Director, P/Col. Melecio Buslig, Jr., 64 na wanted persons, 69 illegal gamblers, 77 drug suspects at 4 na indibidwal para sa possession of illegal firearms ang nadakip nila.
May kabuuang 48 anti-drug operations ang isinagawa na humantong sa pagkakaaresto sa 77 drug suspects at pagkakakumpiska ng P2,362,044 na halaga ng iligal na droga. Aabot sa 64 wanted persons ang nadakip.
Sa kampanya laban sa iligal na sugal, 28 operasyon ang isinagawa na nagresulta sa pagkakaaresto ng 69 na mananaya at pagkakakumpiska ng P26,307 na halaga ng pera.
Sa kampanya laban sa loose firearms, 4 na operasyon ang humantong sa pagkakarekober ng 4 na baril at pagkakaaresto ng 4 na indibidwal.