QCPD Source: File PTV video

QCPD kinumpirma na abogado ng mag-asawa na suspek sa pagpatay sa mga Mollenido umatras

417 Views

KINUMPIRMA ng Quezon City Police District na umatras na ang abogado ng mag-asawang sina Pia at Christian Panganiban, mga pangunahing suspek sa brutal na pagpatay kay PSMS Diane Marie Mollenido at sa anak nitong si John Ysmael, 8.

Sa isang panayam kay QCPD Spokesperson PMaj Jennifer Gannaban, sinabi niya na hindi muna naghain ng counter-affidavit ang mag-asawa at pansamantalang lumapit sa Public Attorney’s Office (PAO) para sa kanilang depensa.

Samantala, ang isa pang suspek na si Gil Dy ay nag-apply bilang state witness at inaasahang magsasalaysay na ngayong Biyernes, Pebrero 13.

Hindi pa tinukoy ng QCPD ang dahilan ng pag-atras ng dating abogado ng mag-asawa.

Sa ngayon, nasa crime laboratory na ang mga baril na umano’y ginamit sa krimen at itinago sa bahay ng ina ng suspek. Nadiskubre ang mga ito matapos umanong magsalita ang kapatid ni Christian na si Maribel.