Calendar
QCPD kumilos, 75 violators hinuli






AABOT sa 75 suspek sa halo-halong krimen ang naaresto ng mga miyembro ng Quezon City Police District (QCPD) noong Sabado, ayon kay P/BGen. Randy Glenn Silvio, ang hepe ng QCPD.
Nahuli ang mga suspek matapos ang house-to-house visit, mobile at foot patrol, on-the-spot na beripikasyon ng pagkakakilanlan, spot checks, profiling ng mga kahina-hinalang indibidwal, koordinasyon sa mga lokal na impormante at pagsisilbi ng mga warrant of arrest.
Sa Sitio San Roque, naaresto si alyas Geraldine dahil sa kasong theft sa tulong ng arrest warrant na inisyu ng Metropolitan Trial Court Branch 3, Dasmariñas City, Cavite.
Bukod dito, 28 katao ang binigyan ng Ordinance Violation Receipts (OVRs) dahil sa paglalakad ng walang damit pang-itaas, pag-inom ng alak at paninigarilyo sa pampublikong lugar, habang 4 katao ang tiniketan ng Traffic Violation Receipts (TVRs) dahil walang helmet at lumabag sa dress code.
Sa Brgy. San Martin de Porres, Cubao, pinangunahan nina P/Col. Joel Villanueva at P/Col. Julious Sagandoy ang pagtiklo sa 43 violators na naaktuhang naninigarilyo at umiinom ng alak sa pampublikong lugar, traffic violations at hindi pagsusuot ng helmet.
Tatlong motorsiklo din ang na-impound ng mga awtoridad.

