Calendar

QCPD sinamsam walang papel, right hand na sasakyan
DINALA sa Quezon City Police District (QCPD) compound para sa tamang dokumentasyon at beripikasyon ang mga undocumented imported right-hand drive na sasakyan sa isang establisyemento sa Quezon City.
Magkasanib na nag inspeksyon ang mga operatiba ng QCPD at Land Transportation Office (LTO) central office matapos kumalat sa social media ang illegal na pagbebenta ng mga imported na sasakyan ng Faequip Corporation Yard sa San Pedro compound 5, Tandang Sora, Quezon City.
Sa isinagawang inspeksyon, ilang second-hand na right-hand drive na Isuzu Elf truck ang natagpuan sa lugar.
Nang hingan ng mga kaukulang dokumento, ipinakita ng operator ang mayor’s permit na inisyu sa ilalim ng pangalan ng may-ari ng Al Tofiq Truck and Parts Corporation kasama ang apat na orihinal na Certificate of Registration (CR) at kaukulang mga plate number na inisyu umano ng LTO.
Ang mga dokumento nakuha umano sa pamamagitan ng isang non-appearance transaction sa Iligan City District Office na nagkakahalaga ng P15,000 bawat isa.
Apat na Certificate of Registration at mga plakang KBF1995, KBF1993, KBF1806 at KBF1994 na inisyu umano ng LTO ang kinumpiska para sa imbestigasyon.
Bukod dito, dalawang undocumented na right-hand drive na Isuzu Elf truck ang nakumpiska sa presensya ng mga opisyal ng barangay mula sa Brgy. Pasong Tamo, Quezon City, ayon sa report.
Susuriin din ang macro-etching upang matukoy kung tampered o pinalitan ang mga numero ng engine at chassis.
“The QCPD reaffirms its shared commitment with the LTO to strictly enforce motor vehicle laws and prevent the proliferation of illegal vehicle trading and fraudulent transactions,” pahayag ni P/Col. Randy Glenn Silvio, Officer-in-Charge ng QCPD.