EDSA

QCPD tinulungan babae na nanganak sa gilid ng EDSA

20 Views

RUMESPONDE ang mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) sa isang babaeng inabot ng panganganak sa kahabaan ng EDSA Balintawak, Bgy. Balingasa, Quezon City, dakong alas-5:01 ng umaga nitong Miyerkules.

Ang naturang insidente ay agad na inaksyunan ng apat na personnel mula sa LaLoma PS 1 sa ilalim ng pamumuno ni PLt. Col Gilbert C Cruz Station Commander. Tinulungan nila ang babae at tiniyak ang kanyang kaligtasan habang inaabot ng panganganak sa gilid ng kalsada.

Dahil sa maagap na pagresponde ng PS 1, ligtas na naihatid ang babae sa pagamutan para sa kinakailangang medikal na atensyon.

“Binabati ko ang PS1 sa mabilis na pagtugon sa mga kakabayan natin nasa lansangan. Isa na namang patunay ito ng kabayanihan ng ating kapulisan, mga lingkod-bayan na handang tumulong sa lahat ng pagkakataon, hindi lamang sa laban kontra krimen, kundi maging sa mga di-inaasahang pagkakataon kagaya nito. Tunay ngang epektibo ang police visibility sa ating mga kakalsadahan”, saad ni PCol Randy Glenn Silvio, officer in charge ng QCPD.

Patuloy ang QCPD sa paghahatid ng serbisyong mabilis, may puso, at malasakit para sa kapakanan ng bawat mamamayan ng Lungsod Quezon.