Calendar
Quezon City pinatahimik ang Negros
BINIGO Ng Quezon City TODA Aksyon ang Negros Muscovados, 83-79, sa MPBL (Maharlika Pilipinas Basketball League) Sixth Season sa FPJ Arena sa San Jose, Batangas.
Nagtulong sina Paeng Are at Rhinwill Yambing upang burahin ng 58-67 deficit sa simula ng fourth quarter upang biguin ang Negros at itala ang kanilang ika-limang panalo kontra pitong talo sa kumpetisyon, na tinuturing ding “Liga ng Bawat Pilipino”.
Ibinuhos ni Are ang lahat ng kanyang 12 points habang ipinasok ni Yambing ang eight sa kanyang team-high 23 points, kabilang ang isang power slam, sa huling 10 minutes para sa panalo ng Quezon City
Nag-ambag din si Yambing ng nine rebounds at two steals habang si Are ay may four rebounds at four assists para sa Quezon City ni veteran coach Egay Macaraya.
Nalugmok ang Negros sa kabila ng 27-point, 6-rebound, 4-assist effort ni Renz Palma, 17-point, 5-rebounfd, 2-steal output ni Hubert Cani at 11-point, 7-rebound, 2-steal contribution ni James
Paul Una.
The scores:
Quezon City (83) –Yambing 23, R.Are 12, Gesalem 9, Sawat 8, Mosqueda 7, Roman 7, Nimes 6, Tibayan 4, Desoyo 3, Cauilan 2, Ballesteros 2, Cosari 0, Josef 0, Tauto-An 0, Bienes 0.
Negros (79) — Palma 27, Cani 17, Una 11, Longa 8, Comia 6, Capobres 4, Cruz 4, Bacay 2, Geolingo 0, Antiporda 0, Alcaide 0, Ramos 0, Pascual 0, Atabay 0.
Quarterscores: 16-19, 41-40, 55-62, 83-79.