Topeng Nagpakitang gilas si Topeng Lagrama ng Quezon Huskers.

Quezon hindi nagpa-awat

Robert Andaya Sep 6, 2024
40 Views

BAHAGYA lamang pinagpawisan ang Quezon Huskers bago itumba ang Muntinlupa Cagers, 88-31, sa pagpapatuloy ng aksyon sa MPBL (Maharlika Pilipinas Basketball League) Sixth Season sa Orion Sports Complex sa Bataan.

Sumandal ang Huskers sa mainit na mga kamay ni homegrown hero Topeng Lagrama upang muling maagaw ang top spot sa South Division sa kanilang 19-5 record at malimita ang Cagers sa season-low sa total points scored at all-time low na three points sa second quarter.

Nanguna si Lagrama para sa Huskers sa kanyang 16 points, kabilang ang perfect 4 of 4 triple shooting, kasunod sina Gab Banal na may 11 points, 10 rebounds at 3 steals, at Judel Fuentes at Rodel Gravera na may tig 10 points bawat isa.

Sa ibang mga laro, tinalo ng Bataan Risers ang Negros Myscovados, 84-62 , at winalis ng Nueva Ecija Rice Vanguards ng ang South CotabatoWarriors, 94-75,

Gumawa sina Jamil Gabawan ng 12 points, 11 rebounds at six assists, Jeff Santos ng 13 puntos at Robbi Darang ng 10 points para sa Bataan, na nanalo ng kanilang ika apat na sunod na laro para sa 9-16 record.

Ang elimination round ay saglit na titigil upang magbigay daan sa MPBL All-Star Game ngayong Saturday, Sept. 7 sa Zamboanga City.

Magpapatuloy ang regular schedule sa Monday, Sept. 9.