MPBL1 Quezon-Imus match sa MPBL.

Quezon matibay sa liderato

Robert Andaya May 24, 2024
143 Views

SEVEN out of seven

Pinamalas ng Quezon Huskers ang kanilang tibay at galing upang durugin ang Imus Agimat VA Drones, 100-73, at manatili sa liderato kasama ng San Juan Knights sa MPBL (Maharlika Pilipinas Basketball League) Sixth Season elimination round sa Alonte Sports Center sa Binan, Laguna.

Labing-tatlong players ng Quezon, sa pangunguna nina Lucena City Mayor Mark Alcala at NCAA Season 98 MVP Will Gozum, ang nagpasiklab para sa kanilang ika-pitong sunod na panalo sa 29-team, two-division tournament nina MPBL founder Sen. Manny Pacquiao at Commissioner Kenneth Duremdes.

Nagtala si Alcala, na nahirang na “Best Player of the Game”, ng 18 points, four rebounds, two assists at one steal, habang nagdagdag si Gozum ng 12 points at 4 rebounds para sa Quezon, na lumamang mula simula hanggang matapos.

Nakatuwang nila sina homegrown player Rodel Gravera (11 points at four rebounds); at Judel Fuentes (10 points, three rebounds, two assists at two steals).

Nakakuha din ang Huskers ni coach Eric Gonzales, ng tig nine points mula kina Ximone Sandagon, Mon Abundo at Gab Banal.

Nalugmok ang Imus sa kanilang ika-siyam na dikit na talo sa kabila ng 20-point, 4-rebound, 5-assist, 3 steal effort ni Luis Tapenio.

Dadayo ang MPBL sa Wes Arena sa Valenzuela City n akung saan maghaharap ang Sarangani at Muntinlupasimula 4 p.m., Bacolod at Nueva Ecija sa 6 p.m. at Bulacan at Valenzuela sa 8 p.m.

The scores:

Quezon (100) –Alcala 18, Gozum 12, Gravera 11, Fuentes 10, Sandagon 9, Abundo 9, Banal 9, Lagrama 6, Saitanan 5, Salonga 3, Matillano 3, T.Torres 3, Canon 2, X.Torres 0, Opiso 0.
Imus (73) – Tapenio 20, Camacho 13, Sumido 7, Nacino 5, Nocidemus 5, Kadir 5, Punzalan 4, Aniban 4, Luengco 3, Gimpayan 2, Enriquez 2, Paraiso 2, Popovic 1, Malimban 0, Gonzales 0.
Quarterscores: 24-13, 54-31, 73-49, 100-73.