BBM

Quiboloy hindi bibigyan ng special treatment ni PBBM

Chona Yu Sep 9, 2024
66 Views

TINIYAK ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na walang special treatment na ibibigay ang pamahalaan sa nasakoteng lider ng Kingdom of Jesus Christ na si Pastor Apollo Quiboloy.

Sa ambush interview sa Taguig City, sinabi ni Pangulong Marcos na tatratuhin si Quiboloy gaya ng isang arestadong indibidwal.

Tiniyak pa ni Pangulong Marcos na igagalang ng pamahalaan ang mga Karapatan ni Quiboloy.

“But again there is no special treatment, although he is a very prominent person, actually, kahit may magsabi na gawin nating special treatment, hindi namin alam gawin ‘yon eh, We don’t know how much special treatment is,” pahayag ni Pangulong Marcos.

“So we will treat him like any other arrested person and we will respect his rights,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Tiniyak pa ni Pangulong Marcos na transparent ang proseso sa kaso ni Quiboloy.

“We will go through the process, the process will be transparent, everyone who is involved will be accountable. And we will demonstrate once again to the world that our judicial system in the Philippines is active, is vibrant and is working,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Nahaharap si Quiboloy sa mga kasong child abuse, exploitation, at human trafficking.