Calendar
Quimbo ipinapanukala ayusin naghihingalong “health care system ng bansa”
IPINAPANUKALA ng Vice-Chairman ng House Committee on Appropriations na si Marikina 2nd Dist. Cong. Stella Luz A. Quimbo sa House Committee on Health na unti-unti nitong ayusin ang naghihingalong “health care system” ng bansa bunsod ng kakulangan ng sapat na pondo o alokasyon para dito.
Sa ekslosibong panayam ng People’s Taliba, sinabi ni Quimbo na iminumungkahi niyo sa Committee on Health na dapat nitong ayusin ang nagkaka-windang-windang na health care system sa pamamagitan ng pagtatatag ng isang “joint committee” mula sa Senado at Kamara de Representantes.
Ipinaliwanag ni Quimbo na layunin ng bubuuing joint committee na magkaroon ng evaluation at makahanap ng karampatang solusyon para matugunan ang problemang kumukulapol sa nanghihingalong health care system partikular na sa aspeto ng kawalan ng sapat na kalidad o “quality care”.
Idinagdag pa ng kongresista na ang panunahing tututukan ng joint committee ay ang problema rin sa kakulangan ng sapat na alokasyon kabilang na ang pagsasagawa ng review at assessment sa mga tanggapan at ahensiya kaugnay sa pagpapaluwal ng pondo para sa health care.
Binigyang diin pa ni Quimbo na ang isa rin sa mga problema na kailangan nilang tignan at pag-aralan ay ang kakulangan ng medical professional o mga doctor, nurses at iba pang hospital staff. Kung saan, pag-uusapan na rin aniya ang problema ng kawalan ng sapat lugar sa mga ospital para sa kanilang mga pasyente.
“The “shortage in medical personnel, lack of capacity in hospital space, lack of focus on preventive care, unsuccessful efforts to address HIV cases, adolescent pregnancy and infant mortality rate all point to a poor health care system of the country. Almost half of patients covered by PhilHealth pay for their medical expenses out-of-pocket and that any reimbursements by PhilHealth are insufficient to cover hospital expenses,” ayon kay Quimbo.