Karera Rain Man: Pasiklab sa Metro Turf.

Rain Man nagbida sa Philracom Maiden Stakes

Robert Andaya Mar 8, 2022
542 Views

BAGAMAT hindi naging maganda ang simula, naging maganda naman ang pagtatapos ni pre-race favorite Rain Man at hineteng si Jeff Zarate.

Humabol mula ika-apat na pwesto at tuluyang nagwagi si Rain Man laban kay Sir William sa nakalipas na P1.2-million 2022 Philracom 3YO Maiden Stakes Race sa Metro Manila Turf Club sa Malvar, Batangas.

Bago ang panalo ni Rain Man, naging kapanapanabik muna ang labanan nina Dr. Rap and Sir William sa kahabaan ng 1400-meter na karera, kasunod lamang sina Ala Savoun at Rain Man

Nagsimulang humirit si Rain Man sa huling 600-meter hanggang tuluyang mapagod si Dr. Rap at pati na si Sir William sa homestretch. Dito na nagsimula makaungos si Rain Man sa paggiya na din ni Zarate patungo sa finish line.

Sa katapusan, nauna sa lahat si Rain Man, kasunod sina Sir William, Ala Savoun, Pharaoh’s King, Freedom Lover and Midship Bell.

Gayunman, itinaas sa third place si Pharaoh’s King matapos ang infraction na nakita ng mga race stewards kay Ala Savoun.

Ang official time sa karera ay 1:26.2 (13-22-23-28′).

Dahil sa nasabing panalo, nakapag-uwi sina owner Joey Sevilla, trainer Ruchie Ladiana at jockey Zarate ng premyong P720,000

Nakuha naman ni Sir William at ng kanyang owner ang runner-up prize na P240, 0000.

Sina Pharaoh’s King, Ala Savoun, Freedom Lover at Midship Bell ay nanalo naman ng P120, 000, P60, 000, P36,000 and P24,000, ayon sa pagkasunod.

“The racing public will be expecting more exciting finishes in the major events to come,” pahayag ni Philracom Chairman Aurelio “Reli” de Leon.

“With the Philracom Classic, the Chairman’ Cup (for older horses) and the Triple Crown series (for three-year olds) coming soon, the bayang karerista should expect slam-bang affairs that will tickle their love for the Sport of Kings,” dagdag pa ni De Leon.