Calendar
Metro
Rape suspek nagtago, bumalik, inaresto
Edd Reyes
Jun 8, 2025
399
Views
NADAKIP ng mga pulis ang lalaking nahaharap sa kasong panggagahasa matapos bumalik sa kanilang lugar noong Sabado sa Valenzuela City matapos ang 10 taon.
Huli si alyas Palos sa Brgy. Malinta, ayon kay Valenzuela acting police chief P/Col. Relly Arnedo.
May bitbit na warrant of arrest ang mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section at Station Intelligence Section ng arestuhin ang suspek dakong alas-9:30 ng gabi.
Walang inirekomendang piyansa para sa sa kanyang pansamantalang paglaya, ayon sa report.
Nakapiit sa custodial facility unit ng Valenzuela police ang akusado habang hinihintay pa ang commitment order para sa paglilipat sa kanya sa Valenzuela City Jail.
Belmonte ipinag-utos na buwagin Task Force Disiplina
Oct 13, 2026
Ama dinampot sa gahasa ng menor de edad na anak
Oct 13, 2026
QC kinondena pamamaril ng 3 ‘nakatambay’ sa QC
Oct 13, 2026

