Posas

Rape suspek nasakote sa Antipolo

86 Views

ARESTADO ng mga otoridad ang isang lalakI dahil sa mga kaso ng rape at molestasyon sa Bureau of Jail Management and Penology-Antipolo sa Sitio Pulong Banal, Brgy. San Jose, Antipolo City.

Timbog si alyas Kohe ng tracker team ng Antipolo Component City Police para sa kasong robbery with rape (Revised Penal Code Article 294) at two counts ng rape by sexual assault.

Nahuli siya sa bisa ng arrest warrant galing kay Presiding Judge Ralph Jerome De Guia Salvador, Regional Trial Court, Fourth Judicial Region, Branch 144 ng Antipolo City, Rizal.

Walang inirekomendang piyansa para sa robbery with rape at P200,000 naman para sa dalawang counts ng rape by sexual assault.