Rape1

Rape suspek sa Taguig, natiklo sa Cavite

Edd Reyes Jun 1, 2026
25 Views

TIMBOG noong Martes ang obrero sa pinagtaguan sa Cavite na paulit-ulit umanong nanghalay ng sariling pamangkin sa Taguig City.

Dinala na noong Huwebes ng mga tauhan ni P/Maj. Rodolfo Armea IV, hepe ng Provincial Highway Patrol Team-Laguna, sa Taguig City police si alyas Joseph na nadakip sa Nostalji Subdivision, Brgy. Governor’s Drive, Dasmariñas, Cavite dakong alas-2:00 ng hapon.

Ayon sa ulat, ipinagkatiwala sa suspek ng kanyang kapatid ang dalagang anak nang umalis para magtrabaho sa ibang bansa.

Paulit-ulit umanong hinalay ang pamangkin kaya nagdulot ng takot, trauma at pagkabahala sa dalaga hanggang magkaroon ng pagkakataong makapagsumbong sa kaanak.

Nang malaman ng suspek na may inilabas ng warrant of arrest laban sa kanya si Taguig Regional Trial Court (RTC) Presiding Judge Byron Gabbuat San Pedro ng Branch 15 para sa 10 counts ng qualified rape, nagtago na ang suspek hanggang madakip sa Dasmarinas, Cavite.