OFW

Rating ng OFW Party List umakyat sa rank No. 14 batay sa resulta ng SWS survey

Mar Rodriguez Feb 24, 2025
15 Views

BAGAMA’T mahaba-haba ang lalakbayin bago ang May elections, ngayon pa lamang ay unti-unti ng umaalagwa ang rating ng Overseas Filipino Workers (OFW) Party List batay sa pinakahuling survey ng Social Weather Station (SWS).

Sinabi ni OFW Party List Rep. Marissa “Del Mar” P. Magsino na base sa pre-election survey ng SWS malaki ang ini-angat ng OFW PL mula sa dating ranking nito na 29 noong nakalipas na Disyembre 2024 ay umakyat ito sa rank number 14 nitong January 2025.

Ipinaliwanag pa ng kongresista na umangat din ang tinatawag na “voter’s preference” mula sa 0.97% ay umakyat ito sa 1.49% na isang indikasyon na unti-unti ng nauunawan o tumataas ang awareness ng mga Pilipino sa mga ginagawa ng OFW Party List na nagsusulong sa interes at kagalingan ng mga OFWs at Pilipino Migrants workers.

Ipinahayag pa ni Magsino na ang kasalukuyang ranking ng OFW Party List ay mas mainam pa kumpara noong July 2024 kung saan nasa 27 ranking OFW PL na hindi hamak na nagkaroon aniya ng bahagyang improvement sa pamamagitan ng public awareness.

Pagdidiin pa ni Magsino na malaki ang pag-asa ng OFW Party List na makakuha ng puwesto sa Kamara de Representantes dahil sa loob ng 155 Party List na naglalaban-laban ay umakyat naman ang OFW PL sa ika-labing apat na posisyon.

“With 155 Party Lists competing for congressional seats. The OFW Party List’s rise to 14th spot strengthens it chances of securing another term in the House of Representatives. Its growing support sends a strong message,” sabi ni Magsino.

Dahil dito, nagpahayag ng malaking pasasalamat si Magsino para sa libo-libong OFWs na nagtitiwala sa kaniya kasabay ng kaniyang pangako na ipagpapatuloy nito ang pagsusulong ng mga programa at adbokasiya para interes at kagalingan ng mga OFWs.