OFW Partylist

Ratipikasyon ng Kamara sa bicam report para sa Magna Carta for Filipino Seafarers ikinagalak ni Magsino

Mar Rodriguez Jun 5, 2024
78 Views

IKINAGALAK ni OFW Party List Cong. Marissa “Del Mar” P. Magsino ang ginawang ratipikasyon ng Kamara de Representantes sa bicameral report para sa Magna Carta of Filipino Seafarers sa ilalim ng 19th Congress.

Dahil dito, pinasalamatan ni Magsino si House Speaker Ferdinand Martin Gomez Romualdez dahil sa suportang ibinibigay ng liderato ng Kamara para maisabatas ang panukalang pakikinabangan ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) pati narin ang mga sektor ng mga Pinoy Seafarers.

Ayon kay Magsino, maituturing na makasaysayan o isang “historical step” ang pagpapatibay ng Kongreso sa Magna Carta for Filipino Seafarers na magbibigay sa kanila ng Karapatan at pribilehiyo para agarang matugunan ang mga problemang kinakaharap ng mga Pilipinong tripulante.

Sinabi ni Magsino na ang ratipikasyon ng Mababang Kapulungan sa nasabing panukalang batas ay maituturing din na tagumpay para sa maritime industry o sector ng mga Seafarers na magbibigay ng malaking pakinabang hindi lamang sa kanila kundi pati narin sa mga shipowners.

Sabi pa ng OFW Party List Lady solon na matagal na nitong ipinaglalaban na mabigyan ng kaukulang proteksiyon ang mga Filipino Seafarers sapagkat sumusuong sila sa panganib sa tuwing maglalayag ang kanilang barko sa karagatan sa pamamagitan ng mga sea pirates.

“The Magna Carta includes comprehensive provisions to substantially enhance the maritime sector. Particularly through shifting educational oversight to the Maritime Industry Authority (MARINA). This strategic move aims to centralize and elevate the standards of maritime ducation,” wika ni Magsino.

Kasabay nito, nakatakdang lumagda sa isang kasunduan o Memorandum of Understanding (MOU) ang OFW Party List Group, Department of Information and Communications Technology (DICT) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) para sa OFW APP.
Gaganapin ang MOU signing ngayong araw (June 04, 2024) sa OFW Tulong at Serbisyo Center sa Ayala Malls Manila Bay, Paranaque.