Calendar
Reaksyon ng mga senador sa kauna unahang sona ng pangulong Marcos Jr. sa July 25
MATAAS NA PAG-ASA ang ipinahayag ng mga senador sa nalalapit na State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Bong Bong Marcos Jr., ngayon darating na Lunes, July 25 sa isang joint session sa Session Hall ng Batasang Pambansa.
Sa kanyang kauna-unahang SONA, haharap ang Pangulo sa taumbayang upang magbigay ulat sa kanyang mga gagawin trabaho na ayon sa mga senador ay magbibigay pag-asa at hinahon sa maraming Pilipino na kasalukuyan nagdadanas ng matinding kagipitan at pagsubok sa kanilang pamumuhay.
Sinabi ni Sen. Juan Edgardo “Sonny” Angara na kahanga hanga ang plano ng Punong Ehekutibo na makipagtulunga sa pribadong sektor upang masiguradong maisasaayos ang ating kasalukuyan ekonomiya na nahaharap sa matinding pagsubok.
Ani Angara ang SONA ang unang tuwiran pagsasaulat ni Pangulong Marcos sa taumbayan ng kanyang adhikain at mga plano para sa sambayanan Pilipino.
Ang derechong pag amin umano ng Pangulo na hihingin niya ang tulong ng pribadong sektor ay isang malaking tulong sa pagpapaunlad ng bansa dahil magdudulot umano ito ng magandang daloy ng unawaan mula gobyerno at pribadong sektor tungo sa mga mangagawang Pilipino.
Ayon naman kay Sen. Ramon Bong Revilla , seryoso ang pangulo na bigyan solusyon ang malalang problema ng kahirapan sa bansa gayundin ang kinakaharap na problema sa edukasyon ng maraming mag-aaral, ang ekonomiya na sadyang tinamaan dahil sa pandemya at pagtaas ng krudo, gayundin ang pang araw araw na trapiko at problema sa baha na nagdudulot ng masamang epekto sa galaw ng negosyo at kalusugan ng mamamayan.
Pinapurihan ng husto ni Sen. Sherwin Gatchalian ang Pangulong Marcos jr., dahil umano sa pagpapakumbaba nito at patuloy na paghikayat sa lahat ng tao kahit oposisyon o administrasyon upang magkapit bisig at magkaisa.
Ang ganitong panawagan aniya ni Marcos at adbokasiya ng Pagkakaisa ay magbibigay sa bansa ng magandang hinaharap.
Inaasahan din ni Gatchalian na tutugon ang bawat Pilipino sa pagkakaisang nais mangyari ng Pangulo upang maging daan aniya ito sa pagtutulungan at pagkakaisa.
“The unity of Filipinos will help each of us and the whole nation. Time to heal wounds and unite for the sake of our nation.” ani Gatchalian na umaasang ang ganitong adhikain ng Pangulong Marcos ay magbibigay daan sa magandang bukas ng ating mga kababayan.
Ayon naman kay Senador Grace Poe, nahaharap ang Pangulo sa tone toneladang hamon dahil na rin sa laki umano ng problema sa ekonomiya dulot ng maraming kadahilanan.
Ang nararanasaan aniyang inflation o pagtaas ng mga bilihin at pagbagsak ng peso laban sa dolyar gayundin ang pagtaas ng petrolyo at kahirapan na transportasyon ay hindi biro at magdudulot aniya ng matindi dagok kung hindi mabibigyan ng tamang solusyon.
Inilahad ni Poe ang pag-asang makabangon ang bansa sa kinabukasan sa pamamagitan ng mga programa na pwedeng gawin ng pamahalaan tulad ng feeding programs, trabaho sa mga PIlipino, maayos na mass transportasyon na sistema sa bansa at maging ang pagpapabuti ng digital connectivity at e-governance.
“Ito ay upang matiyak na maaabot ng tulong ang ating mga kababayan kahit sa mga liblib na lugar. Ito ang panahon upang ang ating koneksyon sa internet ay maging maaasahan, mabilis at abot-kaya ng lahat.” ani Poe.
Ayon pa kay Poe, nasa balikat ng Pangulo ang paghamon sa mga darating na araw.
“Nasa balikat ng Pangulo ang sama-samang pangarap at pag-asa ng milyun-milyong mga Pilipinong nagbigay sa kanya ng matibay na mandato para iahon sila sa kahirapan at bigyan ng mas maiging buhay.” giit ng senadora.
Maging si dating Senador Franklin Drilon sa oposisyon ay naniniwalang tama ang mga ginagawang galaw ni Pangulong Marcos dahil sa pagbuhay nito sa tinatawag na public-private partnership (PPP) bilang tuntungan sa pagsasagawa aniya ng imprastraktura sa bansa.
“A lot of challenges lie ahead of President Marcos. He must use his political capital and the 31 million votes that he received in the last election in order to execute reforms in our economy,” ani Drilon.
Sinabi rin ni Drilon na kailangan umano ang karagdagan kita para sa gobyerno at naniniwala rin siya na ang balak na pagrebisa ni Marcos ng buwis ay makadaragdag tulong upang maisagawa ang adhikain ng gobyerno maitaas ang pamumuhay ng maraming PIlipino sa kasalukuyan.
“We need revenues. There must be a review of the existing tax structure in order to raise revenues,” paliwanag ni Drilon.
Sa umaga pa lamang ng Lunes [ng SONA], July 25 ay magsasagawa na ang parehong ng Kapulungan ng mga Kinatawan at ng Senado ang kanilang sesyon sa kani-kanilang mga pulungan. Kasama na rin dito ang pag hahalal din na kani kanilang mga opisyal sa dalawang kapulungan at panabay din silang maghahain ng resolusyon kung saan ay ipapaalam nila na ang dalawang kapulungan ay handa na upang pakinggan ang ulat ng Pangulo. Sususpindehin ang sesyon ng parehong kapulungan sa pangunguna ng maihahalal na bagong House Speaker at Pinuno ng Senado.