Surrender

Rebeldeng babae sumuko sa Calamba

Gil Aman Sep 24, 2024
69 Views

NAGBALIK-loob sa pamahalaan kamakailan ang isang babaeng miyembro ng communist terrorist group (CTG) na kasapi sa Gabriela Urban Operational Area sa mga miyembro ng Regional Mobile Force Battalion (RMFB) 4A sa Calamba City, Laguna.

Sumuko si alyas Nene, 36, ng Brgy. Real sa lungsod, ayon sa mga otoridad.

Isinailalim sa cooperation at custodial debriefing si alyas Nene na umano’y ni-recruit ng isang alyas Cathy at Nanay Pacing.