Recto

Recto kumpiyansa babagsak sa 2.5% inflation sa Setyembre

Chona Yu Sep 24, 2024
80 Views

KUMPIYANSA si Finance Secretary Ralph Recto na babagsak sa 2.5 percent ang inflation sa buwan ng Setyembre.

Sa pulong balitaan sa Malakanyang, sinabi ni recto na ito ay dahil sa malaki ang naging improvement ng inflation noong Agosto na pumalo lamang sa 3.3 percent.

“Last year, inflation was about 6.1%; today, we are roughly at 3.3%. We expect inflation to go down to 2.5% by September at ang pinakamahalaga, palagay ko mayroon tayong sapat na bigas at hámon sa Pasko,” pahayag ni Recto matapos ang ipinatawag na sectoral meeting ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Palasyo ng Malakanyang.

Tiwala rin si Recto na maabot ng Pilipinas ang inflation target ngayong buwan.

Gayunman, aminado si Recto na maaring bumilis ang inflation sa ikaapat na quarter ng taong kasalukuyan dahil sa pagpasok sa panahon ng Pasko.

“Normally, seasonal naman iyan. Tuwing 4th quarter tumaas nang kaunti pero like I said, we expect it to be within the target range of the BSP, of anywhere between 2 to 4 percent. So, for the full year, we’re looking at the total inflation rate to be about 3.4% more or less ‘no. And the beauty about reducing inflation is that your GDP growth goes up and more jobs can be created, you’re borrowing cost goes down,” pahayag ni Recto.

“And it will be good na magkakaroon din kami ng BSP meeting by October and possibly we can reduce interest rates further, mas maliit ngayon iyong interest rate na babayaran ng gobyerno. Pero higit sa lahat, pababa na rin iyong interest rate – halimbawa sa credit card ni Juan dela Cruz papunta sa Pasko,” dagdag ni Recto.