BFAR

Red tide alert nakataas sa 3 probinsya

222 Views

Itinaas ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang red tide alert sa tatlong probinsya.

Sa Shellfish Bulletin No. 14 Series of 2022 na inilabas ng BFAR ngayong Agosto 5, sinabi nito na mataas ang lebel ng paralytic shellfish poison batay sa pagsusuri ng laboratoryo sa mga sample na kinuha sa coastal waters Dauis at Tagbilaran City sa Bohol; Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur; at sa Lianga Bay sa Surigao del Sur.

Binigyan-diin ng BFAR na “NOT SAFE for human consumption” ang pagkain ng shellfish at alamang (Aecetes sp.) mula sa mga nabanggit na lugar.

Maaari naman umanong kainin ang mga isda, pusit, hipon, at alimango mula sa mga lugar na nabanggit basta lilinisin at lulutuin ng mabuti.