Laudiangco

Rehistro ng mga botante bubuksan sa Disyembre

220 Views

MULING bubuksan ng Commission on Elections (Comelec) ang pagrerehistro ng mga botante matapos na ipagpaliban ang Barangay at Sangguniang Kabataan elections.

Sa isang pahayag, sinabi ni Comelec spokesperson John Rex Laudiangco na kasama sa bubuksan ang mga dating overseas Filipino workers (OFW) na sa bansa na boboto.

Magtatagal umano ang pagrerehistro hanggang sa Enero 31, 2023.

Ang mga nais na magparehistro ay kailangang pumunta sa Office of the Election Officer (OEO) na nakakasakop sa kanilang lugar o sa mga satellite office nito.

Sinabi ni Laudiangco na inaprubahan na rin ng Comelec en banc ang pagsasagawa ng pilot testing para sa Register Anywhere Project (RAP). Gagawin umano ito sa mga piling mall at satellite registration sites.

Ang RAP ay gagawin umano tuwing Sabado at Linggo mula Disyembre 10 hanggang Enero 29 maliban sa Disyembre 24, 25, at 31 at Enero 1, 2023.