Calendar
Reklamo ng Bauan fish vendors kay mayor: Benta matumal
BAUAN, Batangas–Nagkaroon ng pagpupulong ang Bauan public market fish section vendors at Mayor Wendah Katrina Rivera-Dolor para talakayin ang mga kinakaharap na mga suliranin ng mga vendors.
Isa sa mga idinulog ng mga vendors ang matumal na bentahan na hamon sa kanilang kabuhayan.
Ibinahagi rin nila ang iba’t-ibang suhestiyon at posibleng pamamaraan upang maibsan ang epekto nito at mapalakas muli ang kanilang hanapbuhay.
Kaugnay nito, tiniyak ni Mayor Wendah na handa ang lokal na pamahalaan na makinig at makipag-ugnayan upang makahanap ng mga konkretong hakbang at programang makakatulong sa mga manininda.
Kabilang sa mga natalakay ang pagpapaigting ng bentahan sa mga produkto ng pamilihang bayan, pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan sa pamilihan at pagbuo ng mga plano na naghihikayat ng mas maraming mamimili.
Iginiit ni Mayor Wendah ang kanyang hangarin na manatiling katuwang ang mga vendors sa pagpapaunlad ng Bauan Public Market at tiniyak na ang mga hinaing na kanilang inilatag ay magsisilbing gabay sa pagbuo ng mga hakbangin tungo sa pagbabalik-sigla at progresibong pamilihang bayan.

