Calendar
Rekomendasyon ni Enrile: Pasaporte ni Teves kanselahin
INIREKOMENDA ni Presidential Chief Legal Counsel Juan Ponce Enrile sa Department of Foreign Affairs (DFA) na kanselahin na ang pasaporte ng suspendidong si Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr.
Nagtataka rin si Enrile kung bakit hindi pa nakakansela ang pasaporte ni Teves na tumangging umuwi sa bansa at harapin ang mga paratang laban sa kanya.
Si Teves ay iniuugnay sa pagpatay kay Negros Oriental Rep. Roel Degamo na kaaway nito sa pulitika.
Sinabi rin ni Enrile na mali ang mosyong inihain ng kampo ni Teves na ilipat ang kaso sa Office of the Ombudsman mula sa Department of Justice (DOJ).
Ipinunto ni Enrile na ang Ombudsman ay para sa mga kaso ng korupsyon at iba pang unusual crimes.
Ang mga kaso umano gaya ng panggagahasa at pagpatay ay iniimbestigahan ng DOJ.
Hiniling ng kampo ni Teves na ilipat ang isinampang reklamo laban sa kanya sa Ombudsman dahil hindi umano nito nakikita na magiging patas sa pagiimbestiga ang DOJ.