Calendar
Relasyon ng PH at US mas magiging matatag-PBBM
KUMPIYANSA si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na lalo pang tatatag ang relasyon ng Pilipinas at Estados Unidos sa hinaharap.
“Our bilateral alliance with the United States is possibly as important policy as there is in the Philippines. Our relations with the United States remain strong and I believe we will make them stronger in the coming years,” sabi ni Marcos sa kanyang talumpati sa New Jersey kung saan kinumusta nito ang Filipino community doon.
Bukod kay US President Joe Biden, sinabi ni Marcos na sasamantalahin din nito ang pagkakataon na makausap ang lider ng iba’t ibang bansa na lalahok sa ika-77 sesyon ng United Nations General Assembly.
Sa isasagawang high-level General Debate, si Marcos ang unang lider mula sa Association of Southeast Asian Nations na magsasalita at inaasahan na ilalahad nito ang pananaw ng Pilipinas sa iba’t ibang problemang kinakaharap ng mundo.
Umaasa rin si Marcos na makakasungkit ito ng mamumuhunan sa Pilipinas na kailangan upang madagdagan ang mapapasukang trabaho at lumaki ang produksyon ng bansa.