BBM7

Relasyon ng PH at US titibay sa pagkikita nina PPBM, Biden

184 Views

KUMPIYANSA si Speaker Martin G. Romualdez na lalo pang titibay ang relasyon ng Pilipinas at Estados Unidos matapos ang pagkikita nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at US President Joe Biden.

“The productive meeting augurs well for the overall relations between our two countries,” sabi ni Romualdez na kasama sa pagpupulong ng dalawang Pangulo noong Huwebes.

Sinabi ni Romualdez na ang Amerika ay isa sa mga pangunahing partner at matagal ng kaalyado ng Pilipinas.

“I can see the meeting fostering an improved bilateral partnership in those areas,” sabi ni Romualdez.

Sinegundahan din ni Romualdez ang panawagan ni Marcos sa mga negosyanteng Amerikano na dagdagan ang kanilang pagnenegosyo sa Pilipinas na makatutulong sa pagdami ng mga mapapasukang trabaho at pagpapabuti sa kalagayan ng mga Pilipino.

“As President Bongbong Marcos has said, we now have an improved investment climate in the Philippines,” dagdag pa ng lider ng Kamara.

Ang Amerika ay isa sa pangunahing pinanggagalingan ng foreign direct investment (FDI) ng bansa, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Noong 2021, umabot sa $10.518 bilyon ang FDI sa bansa, ang pinakamataas na tumalo sa $10.3 bilyon noong 2017.

Sa unang limang buwan ng 2022 ay umabot na sa $4.2 bilyon ang FDI, mas mataas ng 18.8 porsyento kumpara sa kaparehong panahon noong 2021.