Calendar
Relasyon ng Pilipinas at US lalo pang pagtitibayin at paiigtingin -Speaker Martin Romualdez
NAKAHANDA ang Kamara de Representantes na lalo pang pagtibayin at paigtingin ang malaon at matibay na relasyon ng Pilipinas at Estados Unidos (US) sa pamamagitan ng ugnayan ng mga mambabatas ng dalawang bansa.
Ito ang sinabi ni House Speaker Ferdinand Martin Gomez Romualdez na nakahanda ang Mababang Kapulungan ng Kongreso na mas lalo pang pagtibayin ang magandang relasyon sa pagitan ng Pilipinas at Amerika matapos ang ginawang pagbisita o state visit ni Preisdent Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. sa Estados Unidos (US).
Ipinahayag din ni Speaker Romualdez na nakahanda rin ang Kamara na tanggapin ang binigay na mungkahi ni Pangulong Marcos, Jr. na upang mapagtibay ang matagal, magandang relasyon at pagkakaibigan ng Pilipinas at US ay kailangang magkaroon ng ugnayan ang “Legislative branches” ng dalawang bansa.
“We at the House of Representatives, welcome the suggestion of President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. that efforts to boost the long-standing bond of friendship between the Philippines and the United States should involve the respective Legislative branches of the two countries,” ayon sa House Speaker.
Kasabay nito, sinabi pa ni Speaker Romualdez na umaasa siya na marami pang pagkakataon ang darating sa hinaharap para magkaroon ng ugnayan ang mga mambabatas ng dalawang bansa para sa lalo pang pagpapatibay ng magandang relasyon ng Pilipinas at US.
“We are ready to take up that challenge and we look forward to more engagements with our counterparts in the United States in the future,” ayon pa kay Speaker Romualdez.