Renewable energy lalakas sa nasungkit na $14B investment pledge ni PBBM sa China trip

187 Views

PINURI ni Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte ang matagumpay na biyahe ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa China na makatutulong umano sa pagpapalakas sa paggamit ng renewable energy (RE) sa bansa.

Ayon kay Villafuerte malaki ang maitutulong sa bansa ng halos $14 bilyong investment sa RE sector na ipinangako ng mga negosyanteng Chinese sa delegasyon ni Marcos sa 48-oras na state visit nito.

Ang investment pledge ay maglalapit din umano sa Pilipinas upang maabot ang target nito na maibaba ng 75 porsyento ang carbon footprint ng bansa sa pamamagitan ng pagbabawas sa ginagamit na produktong petrolyo.

Target din ng gobyerno na kunin sa RE ang 50 porsyento ng energy requirement ng bansa pagsapit ng 2040.

“Mr. Marcos’ push for RE investments to achieve a greener economy and reduce our country’s carbon footprint was in sync with his steady pitch in all his foreign trips since he assumed the presidency for climate justice, by securing funding support from the world’s affluent economies yet worst GCG polluters for programs that would help high-risk developing nations like the Philippines shift to cash-intensive RE sources and better adapt to worsening natural disasters set off by planet heating,” sabi ni Villafuerte.

Ayon kay Villafuerte magiging mahalaga ang mga bagong investment sa RE lalo at walang malinaw na indikasyon na magbubuhos ng pondo ang mga mayayamang bansa na siyang pinanggagalingan ng maraming greenhouse gases (GHG) na siyang sanhi ng climate change.

Nagkasundo ang mga mayayamang bansa na tulungan ang mga maliliit na bansa na siyang sumasalo sa epekto ng pagbabago ng panahon dulot ng GHG.

“The world’s biggest carbon polluters appear not too keen about raising by themselves alone the funds for ‘loss and damage’ as one of the tasks of the would-be ‘transitional committee,’ as agreed upon at COP27, was to ‘identify and expand the funding base’,” sabi ni Villafuerte.

Makatutulong umano ang mahigit P700 bilyong investment mula sa mga Chinese investor upang makapagtayo ng mga malinis na mapagkukuhanan ng kuryente na kailangan sa pag-unlad ng bansa.